Sunday, July 13, 2014

Homemade Leche Flan Recipe

Hi everyone! Andito po ang inyong lingkod para mag-share ng recipe ng Leche Flan. Opo, tama po ang nabasa nyo, sa maliit na halaga makaka-gawa na kayo ng Leche Flan na pang pamilya. Sino ba namang aayaw sa Leche Flan hindi ba? 😍

Before I begin with the procedures, sorry po kung hindi ko na napicturan ang Finish product, someday I will make another leche flan and update this blog so you can see it. For now, eto po muna.

Credits to: desarapen.blogspot.com


Ingredients: 

1. Isang Dosenang Itlog
(1 dozen egg)

2. Gatas na malapot
(Condensed Milk)

3. Gatas Na Malabnaw
(Evaporated Milk)

4. Lima hanggang anim na kalamansi
(5-6 pcs of calamansi)

5. Kalahating kilong Asukal
(Half dozen of sugar)


Simple lang po ang mga recipe at siguradonh mabibili nyo ang ilan dito kahit sa maliit na sari-sari store sa labas. 

Para sa procedure:
(Habang ginagawa nyo ang mixture na ito, magpakulo na kayo ng tubig sa inyong steamer.)
1. Ilagay sa malaking bowl ang lahat ng itlog, batihin ito.
2. Ilagay na ang gatas na evap at condensed sa parehas na bowl at haluin.
3. Ilagay ang pinigang kalamansi na walang buto para matanggal ang lansa ng itlog.
4. Lagyan ng 4-5 kutsarang asukal. Depende sa inyong panlasa, ako ay naglalagay lamang ng hanggang 4 na kutsara dahil ayoko ng masyadong matamis at nakakasuyang leche flan. 

Pagkatapos gawin ito, pwede na tayong magpunta sa susunod na step.

Note: ang recipe na ito ay makakagawa ng pitong (7) lanera ng leche flan.

5. Maglagay ng tig dadalawang kutsarang asukal sa llanera. 
Itapat ito sa kalan na may medium na apoy at gamit ang tong, ipitin ang llanera para hindi kayo mapaso. Dapat mag-caramelized ang asukal o matunaw ng hindi nilalagyan ng tubig. Ingatan na masunog o sobrang maging kulay brown ang asukal dahil magiging mapait ang lasa ng leche flan.

6. Kapag nagawa na ito sa lahat ng llanera, gamit ang katsa, salain ang mixture ng leche flan sa llanera na may caramelized na asukal.
Sa mga oras na ito ay siguradong kumukulo na ang tubig na pinainit natin sa steamer. 
Isa't kalahating tasa ang sukatan ko sa isang llanerang leche flan. 
Gawin ito sa lahat ng llanera.

7. Ihanda ang steamer at ilagay ng dahan dahan ang llanera sa steamer. Iwasan ang patong patong na mga llanera dahil hindi masyadong maluluto ang nasa ibabaw. Pahinaan ang apoy na sobrang mahina na parang nag-iin-in ng kanin. 

Hayaang maluto ng dahan dahan ang ating leche flan para ma achieve ang pinong hitsura nito. 


Good luck! 😍😉🌟

Follow nyo po ako sa
 Instagram - @jheveyrrzn24
Twitter - jhvyrzn24

Marami pong salamat!